bakitganun.com's Fan Box

bakitganun.com on Facebook

archive # 21

tama bang makipagrelasyon habang nag-aaral ka pa?
tulad ng sabi ko dati, kung grade two ka pa lang… wag muna. kung sa tingin mo naman ay nasa “tamang edad” ka na at hindi naman nakakasagabal sa pag-aaral mo ang pakikipagrelasyon, wala naman sigurong masama dun.
mga epekto ng porma ng lupa sa heograpiya?
ang mga porma ng lupa (topography) ang syang bumubuo ng geography.
issue pa ba ang mala romeo-juliet love story?
kung ang tinutukoy mo ay ang pagiging hadlang ng pamilya sa pag-iibigan, sa tingin ko ay issue pa rin ito lalo na sa kultura at tradisyon nating mga pinoy. hindi mo mai-aalis sa isang pamilya lalo na ang magulang na makialam para sa kanyang mga minamahal.
bakit ganun? 2yrs nko wlang gf..paano ba magkakaron ult kung wla nmn akong klasm8 na babae.
bakit di mo try yung lalake ng maiba naman. lol
anong halaman ang tinatanim sa israel
sa pagkaka-alam ko, marami namang halaman ang pwedeng itanim dun.

archive # 20

bakit nagagalit ang boss ko? hindi nya ba alam na baguhan lang ako?
baka naman hindi mo pinagbubuti ang ginagawa mo. minsan hindi dahilan na baguhan ka pa lang para hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo.

tama bang nakikipagrelasyon ang isang tao habang nag-aaral?
depende kung ilang taon ka na. kung grade 2 ka pa lang, wag muna. kung sa tingin mo ay nasa tamang edad ka na, wala namang masama dito kung hindi ito nakakasagabal sa pag-aaral at sa iba pang responsibilidad mo.

ILANG DAYS BGO MLMAN NA BUNTIS ANG ISANG BABAE
hintayin mo na lang lumobo ang tiyan.

paano hindi na maging praning pa?
basahin mo itong LINK. kung malala na yang pagka-praning mo, dapat ka ng kumunsulta sa isang espesyalista.

bakit masarap magjakul?
sige. enjoy ka lang.

archive # 19


mahirap ba talaga ang mathematics?
depende sa tao. meron akong mga kaibigang intsik na ginagawang hobby ang pag-solve ng math problems.
tanga ka ba?
minsan. minsan madalas.
pano malalaman kung mahal mo nga ang isang tao?
kapag lagi mo syang naaalala. kapag hinahanap-hanap mo sya. kapag pinoproblema mo ang problema nya. kapag masaya ka kung masaya sya. kapag hindi mo na kayang i-explain ang nararamdaman mo.
Anu ba ang kasing-kahulugan ng pahiwatig
maari mo sigurong gamitin ang paramdam. ex: nagpahiwatig/nagparamdam sya na sya ay aalis. wala na akong ibang ma-isip pa.
virgin ka pa ba?
sa panahon ngayon…

archive # 18


bakit wala paring scandal si aling dionisia?
ang pagpasok nyang modelo at artista ay isang malaking iskandalo.
Why do birds suddenly appear? Mukha ba siyang puno???
mukha syang uod.
Dahil aco ay pasaway, hindi aco magtatanong. Cool ng website na to. :) 
salamat! cool din yung mga bumabasa nito. lol :)
paano tinatanim ang seedless grapes?
kwento: ang seedless grapes daw ay resulta ng isang mutation noong mga sinaunang panahon pa. at kung paano itinatanim ang seedless grapes ay sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang buds, canes or cuttings at ito ang itinatanim o sa pamamagitan ng grafting.
kaibahan ng pakikinig sa pandinig?
isa ay verb at isa ay noun?

archive # 17


hu u? Sino ka ba?
ang inyong lingkod.
nikon or canon?
nikon.
anu ba ibig sabihin nang kapalarang yumaman?
iyan yung mga nakaka-jackpot sa lotto.
d40
d90
BOBO
hindi lahat ng nagtatanong ay bobo.

archive # 16


ha?
gulat ka no?
anong mas maganda camera nikon o canon?
mas gusto ko ang nikon.
panu mu sasabihin sa crush mu na gusto mu siya kahit na may gusto siya sa iba?…
pwede mong daanin sa biro… kunyari i-greet mo sya: “hi crush!”
anung magandang gimmick kung panu mu sasabihin na may gusto ka sa kanya kahit na may gusto siyang iba? ^^
subukan mong mag beautiful eyes. ;)
bakit hindi lumilipad ang manok?
lumilipad din sila. hindi nga lang kasing taas ng mga nakikita mo tulad ng mga ordinaryong ibon. pasalamat na rin tayo at hindi sila matataas lumipad dahil kung nakakalipad sila ng mataas, ang mahal siguro ng presyo ng manok. kung gusto mo silang makitang lumilipad, subukan mo silang habulin.

archive # 15


pano gngwa to?! astiggg
;)
ang hirap makipagrelasyon sa taong hindi mo mahal
ano ang point ng pakikipagrelasyon sa taong hindi mo naman mahal. sex? ayaw mong mag-isa? maaari kang maging masaya kahit ikaw ay nag-iisa.
Bakit nd ako pwedeng magmahal
pwedeng-pwede kang magmahal.
anu ba ang totoo..? sili ba o babae ang nkkpag painit.??
nakakapagpainit sila sa kanilang mga sari-sariling paraan.
possible ba sa isang lalaki na iwan ang babaeng mahal na mahal niya dahil nasaktan siya ng sobra ng babaeng yun?
kahit na mahal na mahal mo ang isang tao, dapat mo ring mahalin ang sarili mo.

archive # 14

Ung kapitbahay namin prosti ata, tapos tingin ng tingin sakin. Tatanggalin ko ba ang sintas ng sapatos ko o manood nalang ng cartoons?
bakit di mo tanggalin ang sapatos mo habang nanonood ka ng cartoons at sabayan mo na rin ng pagtingin sa kapitbahay mong mukhang prosti.
bakit inlove si nika????
dahil may kinalolokahan syang isang tao.
bakit naiihi lagi tayo pag umuulan
mas madali tayong maihi pag malamig. nasubukan mo na bang umihi habang naliligo sa ulan? ang init ‘no?! haha!
(my name here), ang tagal ng sagot? bakitganun?
wag mo ‘kong tawagin sa pangalan ko! wahaha! andyan na sagot sa ibang tanong. ;)
shoktong
masama yan! hik!

archive # 13


kilala mo ba ko?
inday badiday?
bkit ang hirap makahanap ng taong pwedeng mahalin?
ang sabi ng iba, hindi hinahanap ang pag-ibig. yan ay kusang darating.
bakit malaki tiyan ni pads
siguro mahilig syang mag-inom.
ano ba ung mga 12 social encyclicals?
kahit isa nga wala akong alam e, 12 pa!
anu mas gusto mo? leche flan na lasang tae o tae na lasang leche flan? hmm..
leche flan na lasang tae na lang. at least hindi sya tae. pero hindi pa ako nakakatikim ng tae, paano ko malalaman na lasang tae sya…
JOKETIME
friend 1: pare, tingnan mo. may tsoklate sa daan o!
friend 2: pare, hindi tsoklate yan.
friend 1: pare, tsoklate yan!
friend 2: tikman mo nga.
friend 1: (tinikman…) pare, hindi nga tsoklate. tae pala!
friend 2: buti na lang hindi natin natapakan!

archive # 12


muzta na
muzta na naman… ito kaya, sino naman ito… ayuss lang ako. kaw muzta?
yung ibang gustong mangamusta, kung alam nyo email ko, pwede nyo kong i-email. kung alam nyo yung address ng bahay o opisina ko, pwede nyo kong sulatan o puntahan. kung alam nyo number ko, pwede kayong mag-text o tumawag. kung alam nyo multiply o friendster account ko (edit: hindi pa uso ang facebook at twitter ng mga panahong ito), pwede kayong mag-message. kung alam nyo kung saan ako madalas dumaan, pwede nyo kong abangan. sa mga hindi nakaka-alam… sige, kahit dito na lang. =)
ahahaahaha
hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero… sige tawa lang.
aysos , ibig bang sabihin nyan e mas bigtime ka na ? mag-coke araw araw :) may future kaaaa ..
sabi ng tita ko, nagka-diabetes daw sya dahil sa pagco-coke araw-araw.
kelan maayos to?
ayuss na po! =)
bt ang gnda qho?
talaga? eto nga pala number ko: 09193_3_7_4. haha!